Noong Enero 12, 2012 ay nakipag-talakayan si Congressman Malapitan sa Umagang Harapan, isang segment sa programa ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda. Nakaharap ni Congressman Malapitan ang isa sa mga makakalaban niya sa pagka-mayor sa susunod na eleksyon na si Macario Asistio.
Pinag-usapan ang mga isyu na kinakaharap ng lungsod ng Caloocan ngayon at isinawalat ni Congressman Oscar Malapitan ang tunay na lagay ng Caloocan sa kalusugan, edukasyon, trabaho at negosyo, imprastraktura at kalinisan, at korupsyon.
Panahon na nga para bigyan ng bagong sigla ang Caloocan! At ayon nga kay Congressman Malapitan, makakamit ito kung Tao ang Una sa lahat ng aspeto ng pamamahala.










