Sun, 19 May 2013
Tao ang Una kay Oscar *OCA* Malapitan

“Mega-Pagamutan” isinagawa para sa mga Residente ng 3 Barangay

22 February, 2012
Email Email  Print Print  

Isang “Mega-Pagamutan” ang isinagawa para sa mga residente ng Brgy. 22, 23 at 24 noong February 5 bilang bahagi ng programang Pagamutan sa Komunidad ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga taga-Caloocan.

Umabot sa 450 ang mga pasyenteng nabigyan ng libreng konsultasyon, laboratory services at mga gamot sa kauna-unahang “Mega-Pagamutan” na isinagawa sa basketball court ng Brgy. 20 na dinaluhan naman ng mga volunteer doctors, mga dentista, at iba pang pang mga nurse at medical aides at technicians.

Ito na ang pinakamalaking pagamutang isinagawa bilang bahagi ng Pagamutan sa Komunidad na nagsimulang umikot sa ibat-ibang mga barangay sa Caloocan noong enero sa taong kasalukuyan.

“Gaya ng ating ipinangako, sinusubukan natin sa abot ng ating makakaya na maiparating sa mas nakararami nating mga kababayan dito sa Caloocan ang Pagamutan sa Komunidad dahil na rin sa magandang pagtanggap sa atin sa mga naunang barangay na atin nang napuntahan,” ani Cong. Oca Malapitan.

“Natutuwa tayong ihatid ang ganito kalaking medical mission para sa mga residente ng Brgy. 22, 23 at 24 at umaasa tayong patuloy tayong makakakuha ng ganito kasiglang suporta mula sa iba’t-ibang mga grupong tumutulong sa atin para maisagawa ang ating mga Pagamutan sa Komunidad.”

Nagpasalamat naman ang kongresista sa mga doktor, dentista, nurse at iba pang medical aides na boluntaryong tumulong para isagawa ang “Mega-Pagamutan.”

“Napakalaking tulong ang ibinigay sa ating mga kababayan ng ating mga volunteers na patunay lang na maraming gustong tumulong sa atin kung tayo mismo ang mag-uumpisang mag-organisa ng ganitong mga aktibidad na talaga namang napapakinabangan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Cong. Oca Malapitan.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay sa “Mega-Pagamutan” ang libreng medical at dental check-up; laboratory tests gaya ng ECG at blood chemistry; bunot, pasta at linis ng ngipin at alis-kuto. Nabigyan din ng libreng gamot ang mga pasyenteng nagpatingin sa pagamutan.

Related articles:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>