Wed, 22 May 2013
Tao ang Una kay Oscar *OCA* Malapitan

Alumni ng St. Mary’s Academy at Notre Dame inilunsad ang “Active Caloocan”

3 November, 2011
Email Email  Print Print  

Nagtipon-tipon ang ilang grupo ng mga alumni mula sa St. Mary’s Academy of Caloocan City (Our Lady of Grace Academy) at Notre Dame of Greater Manila para buuin at ilunsad ang “Active Caloocan” – isang people’s organization na tutulong sa pagsulong ng mga pagbabago sa lungsod.

Layon ng grupong hikayatin ang mga mamamayan para makisali sa pamamahala ng lungsod at itulak ang mga programang tunay na makakatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga taga-Caloocan.

Sa paglulunsad ng Active Caloocan na ginanap noong Oct. 1, pinuri ni Cong. Oscar Malapitan ang pagbuo ng grupo.

Sinabi ng mambabatas na mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pamamahala ng lungsod at makakabuti para sa mga halal na opisyal na makinig sa mga isyung isinusulong ng mga people’s organization gaya ng Active Caloocan upang maging mas makabuluhan ang mga programang kanilang ipinatutupad.

“Parati kong sinasabing tao ang dapat unahin sa pagpa-plano at pagpapatupad ng ating mga programa. Ito lang ang paraan para maging mas makabuluhan ang ating pagtulong sa ating mga kababayan dito sa Caloocan,” ani Cong. Oscar Malapitan.

“Kailangang pakinggan natin kung ano ang kailangan ng ating mga kababayan – maayos na ospital man yan o patag at ligtas na mga daan… To be a good leader, you have to be a good follower.”

Sa kanyang talumpati, ibinahagi din ni Cong. Oscar Malapitan ang kanyang adbokasiya para iangat ang kalidad na mga ospital at pagamutan sa lungsod, pagsulong ng edukasyon para sa mga kabataan ng Caloocan, pagpigil sa kriminalidad at pagsugpo ng lumalalang problema sa droga sa lungsod.

Binanggit din ng mambabatas ang pangangailangang ayusin ang mga lokal na programang pang-imprastraktura upang suportahan ang pag-unlad ng lungsod at magpatupad ng maayos na programang pang-negosyo para ibalik ang mga namumuhunan sa Caloocan.

Related articles:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>