Thu, 23 May 2013
Tao ang Una kay Oscar *OCA* Malapitan

Pangangalaga sa Kalusugan

Email Email  Print Print  

Ang kalusugan ay isang karapatan, hindi pribilehiyo. Ang pag-unlad ng isang lungsod saan man sa mundo ay hindi matutupad hanggang hindi ginagarantiya ang karapatan ng mga mamamayan sa kalusugan.

Sa stratehiyang Tao ang Una, isinusulong ang mga epektibo at kongkretong aksyon upang mamuhunan sa kalusugan ng mga taga-Caloocan. Ito ay bilang pagtupad sa utos ng Local Government Code ng 1991 na nag-aatas ng responsibilidad na pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa Pamahalaang Lungsod.

Sa kasalukuyan at mga nakaraang administrasyon, kapansin-pansing kakaunting atensyon ang iginugol sa pangangailangang pangkalusugan ng mga taga-Caloocan, lalo na ang mahihirap.

Hindi sapat ang 42 health centers sa Caloocan para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan pangkalusugan ng ating pamilya at komunidad.

Ang Caloocan City Medical Center, dating Diosdado Macapagal Memorial Medical Center, ay kulang sa kagamitan, kulang sa tao, at kulang sa pondo para makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo gaya ng diagnostics at paggamot sa mga karamdaman.

Ang presyo ng gamot sa mga pagamutang ito ay halos doble sa tingiang presyo na ibinebenta ng mga pangunahing drug store. Maliban dito, madalas na makatanggap ang mga ordinaryong mamamayan ng hindi-makataong pagtrato mula sa mga kawani dito.

Nabubuhay ang ating mga kababayan na may takot na baka sila’y magkasakit at walang matakbuhan. May takot na mawala ang lahat ng kanilang pinaghirapan o mauwi sa wala ang pangarap para sa pamilya kung kailangang tustusan ang mahal na pagpapagamot sa sariling lungsod.

Malaki ang potensiyal ng Caloocan na makapagbigay ng kalidad – ngunit abot-kayang serbisyong-medikal.  Kailangan lang ng ating mga pinunong gampanan ang mahirap na gawaing kaakibat ng pagsasaayos ng ating health care system.

Bilang bahagi ng konseptong Tao ang Una, kailangang siguruhing ng Pamahalaang Panlungsod na may sapat at de-kalidad, at libreng serbisyong medikal para sa mga mahihirap na pamilya sa Caloocan. Ang parehong kalidad na serbisyong medikal na abot-kaya para sa mga manggagawa at kanilang pamilya. 

Kabilang sa programag itinutulak sa ilalim ng Tao ang Una ang mga sumusunod:

  • Pagbibigay ng Health Care Access Package;
  • Pagtataas ng kakayahan ng mga health center sa Caloocan;
  • Pakikilahok ng mga komunidad sa pangunahing health care at nutrisyon;
  • Pagsasamoderno ng mga tertiary hospital sa lungsod;
  • Pagbaba ng halaga ng health/medical care; at
  • Pagpapasigla ng health bureaucracy.

Related articles:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>