Sun, 19 May 2013
Tao ang Una kay Oscar *OCA* Malapitan

Malagong Pamumuhunan at Negosyo

Email Email  Print Print  

Kailangang lumago ang negosyo para umunlad ang Caloocan. Naniniwala tayo sa negosyo. Naniniwala rin tayo sa merkado. Tao ang Una sa paglikha ng isang kapaligiran na kaaya-aya sa paglago ng negosyo sa Caloocan.

Alam naman natin na ang patuloy na paglago ng negosyo ang pinakamahusay na paraan para gumawa ng mga trabaho para sa ating mga mamamayan. Ang mga kumikitang negosyo ay siyang tutustos sa pag-unlad ng ekonomiya at pagyaman ng Caloocan.

Ang nakalulungkot, hindi nagkaroon ng maliwanag na programa ang mga nakaraang administrasyon upang makaakit ng mamumuhunan at suportahan ang mga negosyo sa lungsod.

Natatalo ang Caloocan sa mga karatig lungsod sa pagtayo ng negosyo sa kabila ng mas magandang lokasyon nito. Marami sa kanila ang nagsilipatan sa Valenzuela City. Sa katunayan, sa Valenzuela lang mayroong SM mall sa buong Camanava.

Tanging ang sarili lamang ang dapat sisihin ng kasalukuyan at nakaraang mga administrasyon sa kakulangan ng mga negosyo sa Caloocan.  Lumipat ang maraming negosyo dahil hindi na nila kayang pasanin ang mabibigat na buwis, matagalang pag-proseso ng business permit, at panggugulo ng mga tiwaling empleyado ng lungsod.

Maraming negosyante ang nagreklamo na ang buwis na kanilang ibinabayad ay hindi pumupunta sa pondo ng lungsod kundi sa bulsa ng iilang opisyal.

Tao ang Una kung mapapalago natin ang pagnenegosyo at pamumuhunan sa Caloocan.

Mag-iimbita tayo ng mga negosyante upang mamuhunan sa Caloocan, ngunit mas magiging agresibo tayo sa paghihikayat sa mga small-and-medium-enterprise na tumaya sa ating lungsod. Sila ang lumilikha ng pinakamaraming trabaho at kailangan nila ang suporta ng pamahalaan. Bibigyan sila ng insentibo bilang gantimpala sa kanilang pasensiya, tapang at determinasyon. Ang buwis sa business at real property tax at ilang regulasyon ay luluwagan o pansamantalang ipagpaliban habang pinapatibay pa ang kanilang negosyo.

Magtatayo tayo ng urban enterprise zones sa ating komunidad kung saan ay wala gaanong trabaho. Ngunit ito ay bukas lamang para sa mga kumpanyang handang gampanan ang responsibilidad. Bibigyan din sila ng insentibo sa pagtatayo ng negosyo dito kung gagawin nilang prayoridad ang pagbibigay ng trabaho sa mga miyembro ng komunidad.

Determinado din tayong dalhin ang teknolohiya sa Caloocan sa pamamagitan ng mga Call Center at BPO companies. Hihikayatin natin silang magsimula at mamuhunan dito sa ating lungsod.

Related articles:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>