Sun, 19 May 2013
Tao ang Una kay Oscar *OCA* Malapitan

Laban sa Krimen at Ilegal na Droga

Email Email  Print Print  

Katahimikan at kaayusan ay katangian ng masaganang komunidad. Sa kabila ng matitigas na pahayag mula sa PNP at PDEA, patuloy ang paglaganap ng krimen at bawal na gamot sa ating komunidad.

Hanggang sa ngayon, patuloy ang bantang masira ang ating mga kabataan at pamilya. Dumarami ang ating mga kababayang nagiging biktima ng krimen at nalululong sa bawal na gamot.

Kailangan natin ng matinding pagtugon sa lumalang problemang ito. Tao ang Una kapag tiniyak natin ang kaligtasan sa ating kalsada, paaralan at komunidad.

Tao ang Una sa pagsugpo sa krimen at illegal na droga sa pamamagitan ng:

  • Pagbibigay kapangyarihan sa ating komunidad na protektahan ang kanilang sarili at pigilan ang krimen bago pa ito mangyari;
  • Pagbibigay sa ating anak ng access sa drug education program at community-based clinics;
  • Pagbibigay ng drug addiction treatment sa mga gumagamit ng bawal na gamot na humihingi ng tulong;
  • Pagkakaroon ng reward system para sa magsusuplong ng mga pinaghihinalaang kriminal at drug pusher;
  • Pagtiyak na pag-iibayuhin at paghuhusayan ng lokal na PNP ang pagganap sa tungkulin nito; at
  • Pagbibigay ng insentibo sa ating kapulisan para sa matagumpay na pagpigil sa krimen, pagdakip sa mga suspek, at paghuli sa mga pusher.

Related articles:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>