Wed, 22 May 2013
Tao ang Una kay Oscar *OCA* Malapitan

Kalidad na Edukasyon

Email Email  Print Print  

Edukasyon ay susi sa ating kinabukasan. Malawakan ang pagtanggap sa edukasyon bilang pinakaepektibong paraan sa pag-ahon mula sa kahirapan. Bigo ang ating gobyerno kapag bigo ang ating paaralan.

Tao ang Una ang makikinabang sa isang sama-samang pagsisikap na mamuhunan sa pangkabuuang talento at kasanayan ng mga taga-Caloocan.

Dumaan ang mga taon na wala tayong nakitang epektibong solusyon sa problema ng bumababang kalidad ng edukasyon sa mga paaralan sa lungsod at sa tumataas na presyo ng edukasyon.

Marahil inakala ng ating mga dating lider na sapat nang dagdagan lang ang bilang ng mga guro at magtayo ng dagdag na silid-aralan. Tila napabayaan ang pagtataas sa kalidad ng edukasyon ng ating mag-aaral. Ang mga batang nasa Grade 1 ipinapasa papuntang Grade 2, may natutunan man o wala. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa makatapos, kung kailan sila papalabasin ng mga paaralan para magtrabaho, may kakayahan man o wala.

Patunay nito ang mababang markang nakuha ng Caloocan mula sa kamakailang National Achievement Test. Ito ang sukatan ng kahusayan ng mga mag-aaral sa mga pangunahing paksa ng Ingles, Filipino, Hekasi, Matematika, at Agham. Ipinapakita rin nito ang lumalaking agwat sa edukasyon sa pagitan ng Caloocan at mga karatig lungsod kabilang ang Valenzuela City.

Habang ang marka natin sa NAT ay bumababa, ang mga kaso naman ng karahasan sa paaralan ay tumataas. Naiuulat na kung hindi sinasaktan ay pinapatay ang marami sa ating mga guro at mag-aaral. Naiulat din ang pagtaas ng bilang ng pag-abuso sa illegal na droga sa paaralan.

Patuloy din ang pagtaas ng bilang ng drop-out ng mga mag-aaral.

Nahaharap tayo sa matitinding hamon sa edukasyon. Kaya kailangan natin ng isang stratehiyang pang-edukasyon na naka-sentro sa ating mga estudyante.

Itinutulak ng Tao Ang Una ang mga stratehiyang nakatuon sa pamumuhunan sa ating mga mamamayan sa bawat antas ng kanilang buhay sa pamamagitan ng:

  • Pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang anak;
  • Pagkikialam ng komunidad sa pagsasanay ng ating mga kababayan;
  • Pagtuturo ng computer literacy at paggamit ng Internet sa elementarya pa lamang;
  • Pagbibigay sa mga nagtapos ng high school ng pagkakataon na magsanay para sa trabaho o makapasok sa kolehiyo;
  • Pag-aalok sa ating mga guro ng pagkakataon na magsanay at linangin ang kanilang mga kakahayanan na kinakailangan sa pagtuturo;
  • Pagbibigay sa ating manggagawa, under-employed at walang trabaho ng pagsasanay at muling pagsasanay na kailangan nila upang maging mapag-kumpetensya sa merkado ng trabaho; at
  • Pagsisiguro na ang ating mga paaralan ay ligtas mula sa krimen at ilegal na droga.

Related articles:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>