Pangkalusugan
- Ipinaayos ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.
- Pamamahagi ng libreng Philhealth card sa libu-libong resident eng Caloocan.
- Nagbibigay ng pinansyal na suporta para sa mga ospital sa kamaynilaan para sagutin ang gamot, check up, ultrasound, x-ray, c.t.-scan, laboratory, at dialysis ng mga qualified beneficiary.
- Nagpapatupad ng Feeding Program para sa mga mahihirap na pamilya sa komuidad.
- Nagdadala ng mga Medical Mission sa barangay para magbibigay ng libreng gamot at check up, libreng salamin para sa mga may problema sa mata, at libreng bakuna sa mga sanggol, bata at buntis.
- Nagsasagawa ng mga Dental Mission para sa libreng bunot ng ngipin at nagpapamigay ng mga pustiso.
- Nagsasagawa ng Fogging at Fumigation Program sa mga bahay-bahay upang makaiwas sa dengue.
- Pagsasagawa ng Anti-rabies vaccination.
Edukasyon
- Ipinasa ang batas para itayo ang National Science and Technology High School sa Caloocan.
- Nagbigay ng pondo para sa pagpapatayo ng 333 bagong classrooms para sa elementary sa ibat-ibang mga paaralan sa Caloocan at 50 bagong classrooms para sa high school, pati na ang ibang mga pasilidad sa mga eskwela gaya ng multipurpose building, bakod, covered court, sidewalks at iba pa.
- Naglagay ng Speech Laboratory sa halos lahat ng High School sa Unang Distrito ng Caloocan
- Namahagi ng Information Technology Equipment at Software sa bawat elementary at high school sa Unang Distrito ng Caloocan upang maging updated sa makabagong teknolohiya.
- Nagbibigay ng scholarship at educational assistance para sa mga nag-aaral sa kolehiyo.
- Sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon gaya ng pagpapadala ng mga guro sa elementary sa mga training at seminar.
Kapayapaan at Kaayusan
- Nagsabatas sa pagdadagdag ng apat na sangay ng Metropolitan Trial Court sa Caloocan.
Livelihood
- Nagsagawa ng Livelihood Training para sa libu-libong participants sa kursong cellphone repair, cosmetology, reflexology, meat processing, paggawa ng tsinelas, paggawa ng dustpan, English for Call Center Training Program at iba pa.
- Nagpatayo at patuloy na sumusuporta sa mga kooperatiba.
Imprastruktura
- Madaliang pinakabitan ng tubig ang ilang mga lugar sa lungsod, katulong ang MWSI.
- Ipinagawa at pinayos ang 10 national roads kabilang ang San Jose Novaliches Road, Central Luzon Leprosarium Road, Deparo Camarin Road, Deparo Bagumbong, Tala Malaria Road, Samson Road, EDSA Monumento to Balintawak, East & West Service Road, Gen. San Miguel Road, at Rizal Avenue Extension.
- Nagpagawa at nagsaayos ng mga kalsada sa mga barangay.
- Nagpatayo ng ilang multi-purpose building, barangay hall, drainage system, water system, health center, footbridge, at day care center sa ibat-ibang barangay.
Iba pa
- Namamahagi ng Burial Assistance at iba pang tulong sa libu-libong pamilyang namatayan.
- Nagbibigay ng Financial Assistance para suportahan ang mga programa ng DSWD.


